Ang bilis ng takbo ng mga araw. Hindi ko napansin na marami na pala akong nagawa at may mga napabayaan din naman tulad na lang ng blog na ito.
Tila nasa karera ako. Nakikipag-unahan. Sa karera nga lang na ito hindi tiyak ang katapusan.
Hayyy.. Basta ang alam ko lang magpapatuloy ako!
CLICK HERE! Basahin ang kabuuan...
Friday, July 3, 2009
Sunday, May 31, 2009
Kahit Sa Blog Na Lang!
"Kung malakas lang talaga ang loob ko, simula pa lang ay isinampal ko na sa isang kaibigan ang katotohanang ang laki nyang TANGA."
"Kung malakas lang talaga ang loob ko..." Hindi man maniwala ang ilan ay hindi ganoon kalakas ang aking kalooban. Oo, napapagtagumpayan naman palagi ang pakikibaka sa aking kalooban ngunit hindi pa rin maiaalis ang kahinaan nito. Heto nga at sa blog ko na lang idinaan ang aking nais ipaabot sa aking kaibigan. Wala kasi akong lakas ng loob ipahayag ang aking sinasaloob.
"...simula pa lang ay isinampal ko na sa isang kaibigan..." Naguguluhan nga ako kung bakit ginamit ko ang salitang kaibigan. Hindi ba't kung magkaibigan talaga kami ay magaan kong nasasabi sa kanya ang aking kalooban? Kung kaibigan ko talaga sya ay magaan din namin tinatanggap ang puna sa isa't isa? Hindi nga ganoon ang nangyayari! Ibig sabihin kaya, hindi talaga kami magkaibigan? Nahihirapan kasi talaga ako isampal sa kanya ang katotohanan. Gusto ko idiin ang mga salitang isampal sa kanya ang katotohanan. Nakasisiguro kasi ako na masakit ang katotohanan na ito. 2 ang maaaring mangyari. Masaktan sya't magising o masaktan sya't lumayo. Natatakot din kasi ako masaktan sya! Hindi ba't kaasalan din ng isang kaibigan ang hindi sya saktan? Pananakit naman na may kabuluhanan ngunit ang problema, paano kung hindi nya maintindihan dahil mababaw nga ang kanyang pangunawa? Maiintindihan nya ba 'yun bilang isang kaibigan?
"...ang katotohanang ang laki nyang TANGA." Hindi sa nagmamatalino ako at may paggamit ako sa salitang TANGA. 'Yun kasi ang salitang tugmang-tugma sa kanyang pang-unawa. Kahit naman sinong kakilala sya na walang gusto sa kanya ay masasabing TANGA sya. Kasi 'yung may mga gusto sa kanya ay may pansariling interes na nais makamit kaya pinipiringan ang kanilang mga mata at pinipiringan ang kanilang bibig. Baka nga nakataas na ang kilay mo ngayon kung isa ka sa mga may gusto sa kanya. At gagawa ka pa siguro ng pamamaraan para idepensa ang sarili mo at palabasing wala kang ginagawang mali. Akala ko nga mabuti ang ganoon nilang asal ngunit nakita ko na lalo lang sya nagiging TANGA. Ang bigat naman ng kalooban ko sa paggamit ng TANGA. Baka kasi makasakit ako. Paano kung 'yun talaga ang katotohanan? Gamitin ko kayang pamalit ang mga salitang MABABAW ANG PANG-UNAWA imbes na TANGA? Masasabi pa rin ba kayang katotohanan ito?
Muli kong idudutdot sa keyboard ang mga ito...

Hindi upang magmalaki o magdrama o kung ano-ano pang interpretasyon ang maaaring sumulpot sa iyong isipan. Gusto ko lang patingkarin na mahina ang aking loob, nagtatanong ako kung magkaibigan ba talaga kami, at nagnanais ako ipaabot sa kanya ang katotohanan.

Tuesday, May 26, 2009
Ang Pagkakaibigan Ay Isang Durian
Ang pagkakaibigan ay isang Durian.
Ang pagkakaibigan ay isang Durian.
Malayo pa lang amoy mo na!
Maaaring impyerno sa ilan,
ngunit kaakit-akit talaga.
Ang pagkakaibigan ay isang Durian.
Hindi makinis kundi tusok-tusok.
Kaya sa bawat salat, damang-damang naiiba.
Ang pagkakaibigan ay isang Durian.
Napakahirap maghanap ng mura.
Kaya kailangan sumugal kahit napakamahal ng halaga.
Ang pagkakaibigan ay isang Durian.
Sa pagtikim ng kakaibang pagsasamahan.
Tunay na langit ang lasa, hahanap-hanapin pa!
Ang pagkakaibigan ay isang Durian.
Kaakit-akit!
Kapansin-pansin!
Napakahirap humanap!
Hindi makalilimutan!
*Para sa DURIAN201, ang tinawag namin sa nabuong pagkakaibigan ng mga delegado ng Luzon sa isang kumbensyon ngayong Mayo ng mga student-leader na ginanap sa Mindanao.
**Maraming salamat sa pagbubukas ng sarili! Maraming salamat sa pagsasamahan! Hinding-hindi ko kayo makalilimutan! Taas-kamao mga kasama! Magkita-kita ulit tayo sa mga susunod na gawain!
***Padayon! Aluta Continua!

Saturday, May 9, 2009
Isang Produksyong Alay Sa AKO MISMO
Si Juan ay makikitang nakahilata sa sofa habang nagti-text. Kumakalam na ang kanyang sikmura. Nakaramdam na sya ng gutom. Isang brup-brup na tunog ang lilikhain ng kanyan tyan. Biglang maririnig nya ang tik-tik-tik ng mga butiki sa dingding.
Gabi na! Hindi nya ito napansin. Maaari na hindi nya talaga pinansin. Humanap sya ng makakain sa ref at nang makakita ay bumalik sa sofa at muling nag-text.
Ilang oras ang nakalipas. Habang makikita muli syang nakahilata at isini-send ang kanyang text message ay tutunog ang isang malakas at mahabang TOOOOT! Oo, umeksena na ang kinakatakot nyang mga salita. Ito ay ang CHECK OPERATOR SERVICES. Mapapamura si Juan sa sobrang inis. Kahit gusto nya pang magtext ay wala na syang pera pangload.
Badtrip na badtrip si Juan dahil magtatapat na sana sya sa kanyang crush na kanyang ka-text ngunit check op na sya. Kahit mamaos sya sa kasisigaw at mangalay katatalon sa ka-badtripan ay hindi sya magkakaload. Maiisip nya ito, kung kaya't nanood na lang sya ng tv.
Naghahanap sya ng palabas. Palipat-lipat sya ng channel. Napahinto sya nang makita ang biglang pagba-black and white ng palabas. Kumunot ang kanyang noo. Tinititigan nya ang palabas. Maiisip nya na sira ang kanyang tv. Kung kaya't pinalo-palo nya ang tv. Habang abala sa pagpalo ay mag-i-slowmo ang lahat ng kumikilos.
Lalakas ang hangin at may mga usok-usok na lalabas sa bawat paligid. Nasa slowmo rin ang hangin at ang usok. Pagbilang ng tatlo... 1, 2, 3 ay may maririnig si Juan.
Isang mahaba at naka-slowmo rin na 'pppppssssttt! ppppssssttt!' Dahan-dahang lilingon si Juan, slowmo pa rin. Habang papalingon ay patay-buhay ang mga ilaw. Makikita nya ang isang taong puting-puti na nakatayo sa kanyang likod.
Natigilan si Juan. Tila ba na-stroke. Hindi sya makagalaw. Makikita ang mga mata nyang slowmo rin na manlalaki at slowmo pa rin na pagsasalita, "sinnnnooo kkaaa?"
Ang taong puting-puti na nakatayo sa likod ni Juan ay biglang kikindat! Slowmo pa rin ah. At pagkatapos ay biglang babalik ang lahat sa normal na bilis NGUNIT ang kanilang paligid ay slowmo pa rin lalo na ang palabas sa tv. Sila lang dalawa ang hindi na naka-slowmo.
"Nakalimutan mo na ako? Ako mismo toh! Si Pedro ang iyong Best Friend Forever!"
"Ha? Eh bakit namuti ka?"
"Eto bah?" itinuturo ni Pedro ang kanyang namumuting mukha.
Pinagpag nya ang kanyang katawan, mula bunbunan hanggang talampakan. At kakalat ang puting polbo sa buong kabahayan. Bumalik si Pedro sa kanyang tunay na kulay.
"Polbo lang toh!" sabay tatawa si Pedro ng hahahaha.
Malakas na malakas na hahahaha.
"Anong meron? Bakit kailangan mo magpolbo ng todo-todo?" pagkatapos ay itutulak ni Juan si Pedro.
"Ha? Syempre! Para mangibabaw ang dog chain na toh! Ginagaya ko lang sila Maxine Magalona, Lucky Manzano, at Angel Locsin." Biglang iilaw nang malakas ang dog chain at kakalat ang liwanag sa buong kabahayan.
"Juan eto ang uso! Makiuso ka nga! Ayan! Makiisa ka!" habang umiilaw pa rin ang dog chain ay ituturo ni Pedro ang tv ad ng AKO MISMO Campaign.
Remember yung dahilan kung bakit pinapalo ni Juan ang tv? At kahit marami na nangyari ay hindi pa rin natatapos ang palabas na yun dahil nga slowmo pa rin ang paligid di ba? Pero sa oras na ito, babalik na sa dati ang normal na bilis ng paligid.
Ngayon naintindihan na ni Juan kung bakit biglang nag-black and white ang tv ad na yun at nagpolbo ng todo si Pedro. Para nga naman mangibabaw ang dog chain.
Naiinggit si Pedro! Agad nagpasama si Juan kay Pedro para mag-sign-up sa campaign na yun. Ang pledge ni Juan ay, "Ako Mismo hindi na hihilata!" Tuwang-tuwa si Juan at si Pedro.
Lumipas ang mga araw at gabi.
Habang nakahilata ulit si Juan at nagte-text ay biglang may kakatok sa pintuan ng kanyang bahay.
Tok, tok, tok. Pagkatapos ng tatlong katok ay bubuksan ni Juan ang pinto.
Tatambad sa kanya ang isang lalaking puting-puti rin. Punong-puno ng polbo. Pero hindi na sya natakot. Mukha namang mabait ang taong kumatok lalo pa't todo ang kanyang ngiti. Hindi ko rin alam kung ngiti nga ba yun. Basta kitang-kita ang kanyang ngipin.
Inabot ng todo ngiting tao ang isang sobre at biglang maririnig ang tunog na 'pooop'. Maglalaho ang todo ngiting tao.
Dahan-dahan nyang binuksan ang sobre. Pwede rin na slowmo nanaman! Depende na sa gusto ng magbabasa. Nang mabuksan ay isang napakalakas na ilaw ang lalabas. Masisilaw si Juan. Hindi sya makakakita sa sobrang liwanag. Dinukot nya ang laman ng sobre at nakuha nya ang mahiwagang dog chain.
"Wowowow!"
Agad nyang isinuot ang dog chain at nagpolbo ng todo sa buo nyang katawan para nga mangibabaw ang dog chain.
Habang nakahilata muli si Juan na nakapolbo, suot-suot ang dog chain, at isini-send ang kanyang text message ay tumunog ang isang malakas at mahabang TOOOOT! Pero hindi na CHECK OPERATOR SERVICES ang lumabas kundi isang text mula sa AKO MISMO.
"Hello! Hi! Kilala kita! Hindi mo ko kilala! Alam ko kung saan ka nakatira! Hindi mo alam kung saan ako nakatira! May gift kami sayo! Sumigaw ka! Try mo! Ahehehe."
Magsasalubong ang kilay nya. Hindi nya maintindihan kung bakit may ganun syang natanggap na text message. Pero sinubukan nyang sumigaw! Sisigaw na sya... ARF! ARF?
Nagulat sya! 'arf' at 'arf' ang kanyang boses. Sa twing ibubuka nya ang bibig at magsasalita ay 'arf' ang lumalabas! Kung iniisip mo na naging aso sya! Tama ka! Nagtransform sya sa pagiging aso! Dahil nga dog chain yun di ba? Kung cat chain, malamang pusa sya. Sinubukan nyang tanggalin ang dog chain. Ngunit hindi nya ito matanggal dahil nga wala na syang mga kamay. Lahat naging mga paa.
Balitang-balita: Ang lahat ng dog chain na pinamimigay ng AKO MISMO ay mayroon palang espesyal na aparato at kemikal. Lahat ng may suot nito ay naging asong kontrolado ng isang hindi pa nakikilalang hacker. Ang mga pasimuno naman ng AKO MISMO, lusot!
Biglang magfa-flash sa tv at maririnig sa radyo ang Privacy Policy ng AKO MISMO, pauulit-ulit at malakas.
AKO MISMO employs a range of techniques and security to protect the information maintained of our system from loss, misuse, unauthorized access or disclosure alteration, or destruction. HOWEVER, AKO MISMO ASSUMES NO RESPONSIBILITY FOR THE SECURITY OF INFORMATION. AKO MISMO SHALL NOT BE LIABLE UNDER ANY CIRCUMSTANCES FOR DAMAGE RESULTING FROM THE LOSS, MISUSE, ALTERATION, UNAUTHORIZED USE, DISCLOSURE, ALTERATION, OR DESTRUCTION OF INFORMATION COLLECTED FROM VISTORS TO THE SITE.
Balitang-balita: AKO MISMO, nakipag-areglo na sa hacker. AKO MISMO, nagbebenta na ng mga aso.
Sabay pahabol: THE CAMPAIGN CAN CHANGE THE POLICIES, WITHOUT PRIOR CONSENT FROM THE USERS.
Matatapos 'Ang Produksyong Alay sa AKO MISMO' sa isang kahol ni Juan na isa ng aso. Isang kahol ng pagtatanong. Maari rin na kahol ng panghihinayang o kaya'y kahol ng paghihiganti. Ngunit wala na syang magagawa kundi kumahol at mangagat.
"Arf.. Arf.. Arf?!"
P.S. Pasintabi sa lahat ng myembro ng AKO MISMO. Peace be with you. Ingat na lang!

Friday, May 8, 2009
Japan-Philippine Echas Partnership Agreement o JPEPA
Balitang-balita: Pinas sa Guiness! Record breaking ang dami ng mga ni-nose bleed.
Isa sa mga sa mga hindi sinasadyang lumahok ay si Inday. Diinan natin ang mga salitang 'hindi sinasadyang lumahok' dahil nagkataon lang ang lahat.
Hindi sinasadya ang naging pagkilala ng Pinas na pinakamaraming dinugo ang ilong. Isipin na lang natin na isang araw habang abala ang mundo dahil sa krisis ay ginulat ng Pinas ang ating planeta sa sabay-sabay na pagdugo ng ilong ng ating mga kababayan.
Noong araw din yun ay napakarami rin ang nagtalsikang laway dahil sa kabi-kabilang pagpilipit ng dila pero hindi nito na-break ang tulo ng laway ng bansang Japan. Bakit sa Japan? Mamaya alamin natin.
Kasama nga si Inday sa halos maubusan ng dugo dahil sa pagkakabisa ng mga lenggwahe sa Japan. Yan din ang dahilan kung bakit nagkapili-pilipit ang dila at nagtalsikan ang laway nila. Hindi ko na iisa-isahin kung ano-ano ang mga lenggwaheng pinag-aaralan nila dahil wala naman akong ideya. Basta 'mga' lenggwahe, lenggwaheng naiintindihan sa Japan. Yun yun! Hindi na nga English ang pinagkakaabalahan ni Inday dahil hindi nya na gustong pumunta sa Amerika. Hindi totoo na mapurol na ang pag-iingles nya. Para pabulaanan ang isyu, fluent na fluent nga sya sa English. Actually pinag-aagawan na sya ng mga kompanya pero ayaw nya na talaga ng English at ayaw nya nang pumunta sa Amerika. Ito ay dahil nababahala sya sa naging paglaya ni Daniel Smith. Si Daniel Smith na bukod sa pagiging patabain nyang baboy habang nasa kostodiya ng US Embassy ay mambababoy din sya ng puri. Naisip nya na kung sa Pinas nga ay ang lakas ng loob na mambaboy ng kano, paano na lang sa bansang Amerika na sandamakmak ang kano? Baka sabihin nyo, fallacy nanaman kasi ginegeneralize? Maaari! Ngunit hindi natin masisisi si Inday! May super powers ang Amerika! Iiwas na lang sya. Kung sa Pinas nga walang proteksyon sa bansa pang Amerika. Pinangangalagaan lang ni Inday ang kanyang puri. Kung kaya't sa Japan na lang sya pupunta. Malapit lang sa Pinas at malapit pa sa lapad. Ang salitang lapad dito ay hindi natin ikukulong sa pakahulugang pera. Lahat na maaaring idikit sa salitang lapad pwede!
Pupunta nga si Inday sa Japan. Gusto nyang i-clear sa lahat ng detractors nya na pupunta sya sa Japan hindi para maging Japayuki kundi para maghugas ng pu**. Oo, may asterisk! Baka may minors na magbasa. Gawin na lang natin itong game. Hulaan blues! Kung mag-rhyme, natumbok mo. Pero hindi lang naman yun ang kanyang gawain. Lahat ng pwedeng i-nurse at pwedeng maibigay na care ay maaari.
Balitang-balita ulit: More than 200 Filipino nurses and caregivers are set to leave for Japan on sunday as the first group hired under Japan-Philippines Echas Partnership Agreement or JPEPA.
Balikan natin si Inday na talon nang talon dahil kasama sya sa luluwas papuntang Japan. May pinapuntahan ang kalyado nya ng dila at ang ilong nyang nagdugo at yun nga ay sa Japan. Kung ano man ang mangyayari kay Inday sa Japan, hindi natin alam at tiyak walang nakaaalam! Lahat maaaring mangyari! Walang katiyakan! Wait na lang natin sa mga balita!
Balikan natin ang ibig sabihin ng E sa JPEPA. Iyon nga ay salitang Echas. Oo! Echas! Ito ang itatawag natin hindi lang sa mga nakikita nating nagkalat sa daan na palagi nating iniiwasan, isama natin dito ang lahat ng dumi simula sa kabahing-bahing na alabok hanggang sa kawindang-windang na chemical waste. Sa pagtapak ni Inday sa kalupaan ng Japan ay may kapalit na echas na ibabaon sa kalupaan ng Pinas. Para mas madaling maintindihan,
Echas ng Japan = Tao ng Pinas
Naintindihan na ba? O kung hindi pa, paikliin natin, ang ibig sabin nun ay ginago ang Pinas at nagpagago naman ang otoridad ng Pinas. Kung hindi mo talaga maintindihan, aba malay ko na! Ulitin mo na lang ang pagbabasa, libre naman!
Kaya nga pala konte-container ang laway ng Japan, itulad natin ang Japan sa isang aso na nakakita ng makakain. Syempre tiba-tiba ang Japan sa Pinas. Mayroon silang 7,107 pulo para pagtabunan ng echas nila. Oh, paanong hindi tutulo ang laway ng Japan sa kasabikan?
Tama ba? 7,107? Wala na kasi akong ideya kung ilan pa yung sa Pinas dyan. Anyway, parang aso rin ang Japan na kahit saan pwede umechas at kung itataboy mo swertehan kung hindi mangagat. Langyang aso! Sarap gawing asusena!
May Visiting F*ck*ng Agreement at Japan-Philippines Echas Partnership Agreement ang Pinas. Pwede s*x at pwede echas. Iba ang Pinas, may koleksyon ng kung ano-anong kaanikang agreement!
Ano naman kayang susunod na agreement? Hanggang kailan din kaya si Juan dela Cruz magpapagamit?
P.S. Inday, ingat ka ha!
P.S. Pinas, huwag ka mag-alala! Ipaglalaban kita!

Thursday, May 7, 2009
Bayang Magiliw Este Lupang Hinirang
Hindi pa nga nakare-recover ang planet Earth kay Manny "Pacman" Pacquiao matapos nyang mabilis na napatulog si Ricky "Hitman" Hatton.
Bukod sa usap-usapang walang halos naganap na krimen sa mga pulo ng Pinas, may inatake sa puso dahil sa sobrang saya sa laban ni Pacman, kung sino na ang susunod na pahihigain sa boxing ring ng ating pambansang kamao, at ang paghuhugas kamay ng nagmamagaling na trainer ni Hitman na si Floyd Mayweather Senior kesyo hindi sinunod ang kanyang payo. Hindi rin naman nakaligtas sa tenga ng lahat ng may tenga ang pagbabago ni Martin Nievera sa pagkanta ng ating pambansang awit na Bayang Magiliw este Lupang Hinirang.
Sa totoo lang ay hindi ko rin nagustuhan ang pagkanta ni Martin dahil sa dalawang rason.
1. Sabik na sabik na kasi ako mapanood ang laban ni Pacman at Hitman at kailangan pa umeksena ni Martin. Ang tagal ko na nga naghintay at lahat ng gawain isinantabi ko na, heto at may kakanta pa! Kung pwede ko nga lang i-fast forward ang mga eksena na yun, ginawa ko na! Pero naisip ko na ang atat ko naman. Syempre nga naman kung proud ako kay Pacman dapat proud din ako sa ating bayan. Ayun nga ay sa pamamagitan nang pagkanta ng ating pambansang awit. Tsaka naisip ko, sino naman ako? Hindi nga naman ako mapagpasya sa pagkasunod-sunod ng program.
Pero pinatagal pa kasi Martin ang pagkanta kahit dapat mabilis lang yun!
2. May legal na batayan ang aking moda. Kahit nagpupumilit si Martin na tama ang kanyang pagkanta at aprub naman si Pacman doon kahit wa care ang mundo dahil sino ba si Pacman para humatol sa tamang pagkanta, maliwanag na nakasaad sa Republic Act No. 8491, Rule 4, Chapter 2, The National Anthem, Section 42, the rendition of the National Anthem, whether played or sung, shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe and in accordance with its original Filipino lyrics and march tempa that was adopted under Memorandum Circular No. 60 dated December 19, 1963. Hala Martin! Lagot ka kay Julian Felipe kahit magsumbong ka kay Pacman! Bago pa man ako mag-transform sa pagiging mambabatas ay hindi rin ito usapin ng nasusulat na batas. Ito'y usapin din ng ating pagkakakilanlan bilang isang Filipino! Kung ang lahat ng singer, isama na rin natin ang mga frustated singer, ay may kanya-kanyang version ng Lupang Hinirang, sino na si Juan dela Cruz at nasaan na si Inang Bayan? Kawawang perlas ng silangan, walang pagkakakilanlan.
Ating balikan ang pagkanta ni Martin. Sya'y nakasuot ng amerikana. Hindi ba't kaya kinakanta ang Lupang Hinirang ay para ibandila ang lahing kayumanggi, bakit hindi ito lubos-lubusin? Mayroon naman tayong barong tagalog! Hindi ito pagiging pormal o pagiging tradisyunal, ito'y pagiging makabayan at pagmamalaki sa mundo na tayo'y may pagkakakilanlan.
Ipinakikita ni Martin ang tunay na kalagayan ng ating lahi kahit hindi naman nya ito sinadya. Ito ay ang pagpapaalipin at pagpupumilit sa pagkakakilanlan ng ibang bayan samantalang mayroon tayong sarili na palagian nating ikinikibit-balikat. Sa kanyang pagkanta, sa sarili nyang kumpas ay maririnig ang namamaos na si Juan dela Cruz hanggang sa tuluyang mawala ang kanyang boses, ang kanyang pagkakakilanlan at mangibabaw ang halakhakan at palakpakan ng mga dayuhan.

Sunday, May 3, 2009
Tikman Mo Kamao!
Grabe! Hindi ko naman inakala na tutumba kaagad si Ricky "Hitman" Hatton sa ating pambansang kamaong si Manny "Pacman" Pacquiao.
Unang round pa lang parang nakalimutan ni Hitman ang kanyang pangalan. Tumikim ba naman ng mala-masong kamao ni Pacman. Kawawa naman.
Sa ikalawang round, ayun nasarapang humiga at hindi na tumayo. Bingo!
Bigla akong napaisip kung tao ba talaga si Pacman. Tao nga ba sya? Baka niloloko nya lang tayo, baka isa syang halimaw na nag-aanyong tao? Si Jinky na kanyang asawa, sinubukan kyang awayin si Pacman? Sigurado ako na hindi pa rin napapalo ni Pacman ang kanyang mga anak, kasi napanood ko sa tv na buhay pa sila.
Delikado ang kamao ni Pacman. Dapat magpalisensya sya ng kanyang kamao. Deadly weapon oh! Gusto ko rin ng ganyang kamao, para lahat friend ko!
Naisip ko na pwede ring maging kidnapper o holdapper si Pacman. Imbis na kutsilyo at baril ang gagamitin, kamao ang ipananakot nya. Pero mas mabuti na rin na maging boxer na lang sya at patuloy na magbigay karangalan sa ating bayan.

Friday, May 1, 2009
Iyan Ang Gagawin Ko!
Imumulat ko ang aking mga mata.
Susuungin ko ang katotohanan
hahasain ko ang aking isipan
hanggang sa makita ko ang susi ng bilangguan.
Iuunat ko ng todo ang aking mga braso.
Pupunasan ko ang luha ng nagmumugtong mata
hahagkan ko ang kalyadong kamay ng pagdurusa
hanggang sa ang tibok ng aking puso at ng api ay maging iisa.
Ibubuka ko ang aking bibig.
Ihihiyaw ko ang nakatagong sakit ng kalooban
iwawagayway ko ang watawat ng pakikipaglaban
hanggang sa ang pawis at dugo ko ay magbunga mula sa tigang na kalupaan.
Iyuyuko ko ang aking lubos pasakit na katawan.
Pupulutin ko ang sandata ng nakaraan
makikiisa ako sa walang humpay na tunggalian
hanggang sa mamula na ang silangan.

Iyan ang gagawin ko upang durugin ang imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo na ugat ng kahirapan.
TAAS KAMAO PARA SA MGA URING MANGGAGAWA!
SAMPAL KAMAO PARA SA MGA MAPAGSAMANTALA!

Thursday, April 30, 2009
Pabili Ng Basura
Napadaan ako sa malapit na mall sa amin at talagang hindi ito mahulugang karayom.
Kung makahulog ka man ng karayom at sinubukan mong pulitin, tiyak magkukulay ube ang buo mong mukha dahil sa kabi-kabilang balya ng mga nagdaraang tao.
Iba talaga ang hakot ng salitang SALE sa mga Pinoy. Yun bang malapit ka na maabutan ng ilang oras mong inaasam na NFA Rice ay iiwanan mo ang pila kapag nalaman mong SALE ang kalapit na mall.
Minsan tinanong ko ang shoppaholic kong kaibagan kung bakit napa-praning sya tuwing SALE. Ayon sa kanya hindi nya na raw kasi kailangang makipagsikuhan sa Divisoria para makamura at may mall naman na katulad lang ang presyo pero may kalidad.
May kalidad? Kung tutuusin pareho lang ng kalidad ang isene-sale at ang mabibili sa Divisoria. Ang pinagkaiba lang naka-smile ang saleslady sa SM at nakasimangot naman sa Divisoria.
Kaya nga SALE, hindi mabenta sa dami at kailangan ng maubos dahil lumang-luma na.
Surplus dito! Surplus doon! Si Juan dela Cruz tuwang-tuwa pa sa pamimili ng mga basura!

Wednesday, April 29, 2009
Si Bantay
Kanina ay may nakasalubong akong asong tumutulo ang laway. Naalala ko bigla ang paboritong aso ng pandak naming kapitbahay. Ang pangalan nya ay Bantay. Ang galising askal sa aming lugar.
Kilalang-kilala si Bantay. Palagi mo syang makikitang paikot-ikot habang tumutulo ang laway sa mala-palasyong bahay ng kanyang amo. Binabantayan nya ang mga hindi mapaliwanag na yaman ng kanyang amo na ang negosyo ay real estate at napabalitang illegal recruiter.
Walang namang nagtangkang lumapit sa palasyo ni pandak dahil lahat ng dumaraan dito kahit hindi sinasadya ay sinasakmal ni Bantay at kanyang pinapatay lalo na kapag may suot o dala na ang kulay ay pula.
Ilang beses na ngang pinagtangkaang patayin si Bantay dahil na rin sa perwisyo at marami nitong pinaslang pero dinaig pa nito ang 9 na buhay ng pusa. Sabi nga nila, ang masamang damo ay matagal mamatay.
Dahil sa sobrang galit, sumpa, at dasal ng mga tao rito ay nataboy ang mag-amo. Lumipat sila ng lugar na pipinsalain. Ang balita ko nasa Quezon City na si Bantay.

Subscribe to:
Posts (Atom)